top of page

Bulacan isinailalim sa State of Calamity dahil sa epekto ng mga bagyo at Habagat


BULACAN — Isinailalim sa State of Calamity ang buong Lalawigan ng Bulacan kasunod ng malawakang pinsala at epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng mga nagdaang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat.

Ang deklarasyon ay isinagawa sa bisa ng Panlalawigang Kapasyahan Blg. 708-T’2026 upang mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga Bulakenyong naapektuhan ng kalamidad.

Sa ilalim ng deklarasyon, inaasahang mapapabilis ang paghahatid ng relief assistance, food at non-food items, medical assistance, at iba pang kinakailangang serbisyo sa mga apektadong pamilya at komunidad.

Magbibigay-daan din ito sa mas mabilis na pagpapatupad ng mga hakbang para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga lugar na napinsala ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha.

Kasabay nito, maaaring ipatupad ang mga kaukulang mekanismo upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang mahahalagang pangangailangan.

Patuloy namang nakatutok ang mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan sa kaligtasan at kapakanan ng mga Bulakenyo habang nagpapatuloy ang pagtugon at recovery operations sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page