top of page

Bulacan makararanas ng maulap na panahon at pag-ulan dahil sa Habagat


BULACAN — Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang inaasahan sa Bulacan dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Posibleng maging katamtaman hanggang malakas ang mga pag-ulan na maaaring magdulot ng flash floods, partikular sa mga mabababang lugar at komunidad na malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Bukod sa Bulacan, kabilang din sa mga apektadong lugar ang Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas, Palawan, Marinduque, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa pabago-bagong lagay ng panahon at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisory para sa mga susunod na update.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page