top of page

Bulacan makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa Habagat


BULACAN — Patuloy na makaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Bulacan at iba pang bahagi ng Luzon ngayong Agosto 10, ayon sa 24-Hour Public Weather Forecast na inilabas ng PAGASA alas-4:00 ng madaling araw.

Ayon sa PAGASA, makararanas ang Bulacan ng occasional rains o paminsan-minsang pag-ulan dulot ng Habagat. Posibleng maging katamtaman hanggang malakas ang mga pag-ulan na maaaring magdulot ng flash flood at landslide, partikular sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone.

Kasama rin sa mga lugar na makararanas ng occasional rains ang Metro Manila, Ilocos Region, malaking bahagi ng Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.

Samantala, mas malalakas na monsoon rains ang inaasahan sa Benguet, Zambales, at Bataan, kung saan posibleng makaranas ng moderate to heavy at paminsan-minsang intense rains.

Binabantayan din ng PAGASA ang Tropical Storm Peilou na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Alas-3:00 ng madaling araw, namataan ito sa layong 2,515 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 65 km/h at pagbugsong umaabot sa 80 km/h.

Pinapayuhan ang mga Bulakenyo na manatiling alerto sa patuloy na pag-ulan, lalo na ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather advisory ng PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page