top of page

Bulacan makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa Habagat; flash flood posible


BULACAN — Patuloy na makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Bulacan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa 24-Hour Public Weather Forecast ng PAGASA na inilabas alas-4:00 ng hapon ngayong Agosto 10.

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang Bulacan ng moderate to heavy rains na maaaring magdulot ng flash floods, partikular sa mga mabababang lugar at komunidad na malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Kasama rin sa mga lugar na inaasahang makararanas ng occasional rains ang Metro Manila, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Samantala, patuloy na binabantayan ang Tropical Storm Peilou na nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Alas-3:00 ng hapon, namataan ito sa layong 3,000 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 75 km/h at pagbugsong umaabot sa 90 km/h. Kumikilos ito pasilangan sa bilis na 35 km/h.

Pinapayuhan ang mga Bulakenyo na manatiling alerto sa patuloy na pag-ulan at subaybayan ang mga opisyal na weather advisory ng PAGASA, lalo na sa mga lugar na nakararanas na ng pagbaha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page