top of page

Bulacan pinarangalan sa mahusay na pamumuno sa Circular Economy at Solid Waste Management


CITY OF MALOLOS, Bulacan — Kinilala ang Provincial Government of Bulacan sa larangan ng pangangalaga sa kalikasan matapos nitong matanggap ang Provincial Excellence in Circular Economy Leadership Award sa ginanap na Environmental Summit 2026 sa Clark, Pampanga.

Iginawad ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Central Luzon ang pagkilala sa Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) dahil sa mga programa nito sa environmental protection at ecological solid waste management.

Kinilala rin ang mga pagsisikap ng lalawigan sa pagpapatupad ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Republic Act No. 11898 o Extended Producer Responsibility Act of 2022.

Inialay ni Governor Daniel R. Fernando ang parangal sa mga Bulakenyo, lokal na pamahalaan, government employees, environmental advocates, volunteers, at iba pang katuwang sa patuloy na pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon sa gobernador, patuloy na palalakasin ng lalawigan ang mga programang naglalayong mabawasan ang basura at mapangalagaan ang likas na yaman para sa mga susunod na henerasyon.

Tinanggap nina BENRO Head Atty. Julius Victor C. Degala, Arminda D. Carreon ng Waste Management and Pollution Control Division, at Eric Donnel P. Manio ng Waste Management Section ang parangal para sa lalawigan.

Bahagi ng isinusulong na circular economy sa Bulacan ang pagtingin sa basura bilang mapagkukunang maaari pang mapakinabangan, kasabay ng waste diversion, community-based environmental projects, at pakikipagtulungan sa mga LGU at pribadong sektor para sa mas malinis at sustainable na lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page