top of page

Bulacan PNP nag-deploy ng mga tauhan sa Cagayan Valley Road para sa traffic assistance


BULACAN — Nag-deploy ng mga tauhan ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa kahabaan ng Cagayan Valley Road upang magbigay ng traffic assistance sa mga motorista sa gitna ng pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon sa lalawigan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director, nagsasagawa ang mga pulis ng police visibility at traffic management upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan at matulungan ang mga biyaherong dumaraan sa mga apektadong lugar.

Para sa mga motoristang northbound, pinapayuhang sundin ang umiiral na traffic diversion at gumamit ng mga alternatibong ruta. Kabilang dito ang pagdaan sa Balagtas Exit patungong Maharlika Road at Central Luzon Link Expressway (CLLEX) kung kinakailangan.

Pinapayuhan din ang mga motorista na huwag tangkaing dumaan sa mga sarado o binahang bahagi ng kalsada at sundin ang mga tagubilin ng mga pulis at traffic personnel na naka-deploy sa lugar.

Nananatili naman sa mga pangunahing ruta ang mga tauhan ng Bulacan PPO upang tumulong sa mga motorista habang nagpapatuloy ang monitoring sa kondisyon ng mga kalsada sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page