top of page

Bulacan posibleng makaranas ng 50–100 mm na ulan sa Huwebes

Sep 8
1 min read

Posibleng makaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na pag-ulan mula Miyerkules ng gabi, Setyembre 9, hanggang Huwebes ng gabi, Setyembre 10, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa Weather Advisory No. 65 ng PAGASA na inilabas alas-11:00 ng gabi noong Setyembre 7, kabilang din ang Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales at Bataan sa mga lugar sa Central Luzon na maaaring makatanggap ng 50–100 mm na ulan sa nasabing panahon.

Bago nito, mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng gabi, inaasahan ang mas mataas na 100–200 mm na ulan sa Zambales at Bataan, habang 50–100 mm naman sa Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring mas mataas ang aktuwal na dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Maaari ring maging mas malala ang epekto nito sa mga lugar na nakaranas na ng malaking rainfall accumulation nitong mga nakaraang araw.

Nilinaw ng PAGASA na ang Weather Advisory ay nagbibigay ng mas malawak na rainfall outlook sa provincial level. Para naman sa mas agarang kondisyon ng pag-ulan hanggang municipal level, pinapayuhan ang publiko na bantayan ang Heavy Rainfall Warnings na inilalabas ng mga kaukulang PAGASA Regional Services Division.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page