top of page

Bulacan posibleng makaranas ng hanggang 100 mm na ulan sa Biyernes

Sep 9
1 min read

BULACAN — Posibleng makaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na pag-ulan sa Biyernes, Setyembre 11, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa Weather Advisory No. 70 ng PAGASA na inilabas alas-5:00 ng umaga ngayong Setyembre 9, kabilang ang Bulacan sa malawak na bahagi ng Luzon na maaaring makatanggap ng 50–100 mm na ulan sa Biyernes. Mas mataas na 100–200 mm naman ang inaasahan sa Occidental Mindoro.

Ngayong Miyerkules, 50–100 mm na ulan ang inaasahan sa Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro. Bukas, Setyembre 10, kabilang naman ang Nueva Ecija, Zambales, Tarlac, Pampanga at Bataan sa mga lugar na may kaparehong rainfall outlook.

Bukod sa Habagat, binabantayan din ang epekto ng trough ng Tropical Cyclone Krovanh, na maaaring magdala ng moderate to heavy rains sa ilang bahagi ng Northern Luzon ngayong araw at bukas.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring mas mataas ang aktuwal na dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Maaari ring lumala ang epekto ng panibagong pag-ulan sa mga lugar na nakaranas na ng malaking rainfall accumulation nitong mga nakaraang araw.

Para sa mas agarang kondisyon ng pag-ulan hanggang municipal level, pinapayuhan ang publiko na bantayan ang Heavy Rainfall Warnings na inilalabas ng mga kaukulang PAGASA Regional Services Division.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page