top of page

Bulacan PPO nakiisa sa pagpupulong kontra VAWC, trafficking

Sep 18
1 min read

Photo Courtesy: Bulacan Police Provincial Office
Photo Courtesy: Bulacan Police Provincial Office

MALOLOS CITY, Bulacan — Nakiisa ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa 3rd Quarter Joint Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) at Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (PCAT-VAWC) noong Setyembre 17 sa Francisco Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos.

Kinatawan ang Bulacan PPO ni PMAJ Jaynalyn A. Udal, AC, PIDMU/C, WCPD/PIO, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon ng mga ahensya at stakeholders para sa proteksyon at kapakanan ng kababaihan at mga bata, kabilang ang pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa kanilang mga karapatan.

Kasama rin sa mga usapin ang pag-iwas sa abuso, karahasan, diskriminasyon at trafficking, pagpapahusay ng assistance at referral mechanisms para sa mga biktima, at pagpapatibay ng community-based interventions.

Layunin ng joint meeting na mapalakas ang pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensya at organisasyon sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at proteksyon ng kababaihan at mga bata sa Bulaca

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page