top of page

BulSU magbubukas ng online application para sa incoming freshmen sa Agosto


MALOLOS CITY — Inanunsyo ng Bulacan State University (BulSU) na magbubukas ngayong Agosto ang online application para sa mga incoming freshman na nagnanais mag-enroll sa unibersidad.

Ayon sa BulSU, pinapayuhan ang mga aplikante na ihanda na ang mga kinakailangang dokumento kabilang ang Grade 11 Report Card, Barangay Certificate, utility bill, Declaration Form, at Income Tax Return (ITR) upang maging handa sa oras na magsimula ang aplikasyon.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na eksaktong petsa ng pagbubukas ng aplikasyon at wala pa ring opisyal na application link na inilalathala ang unibersidad.

Hinihikayat ng BulSU ang mga interesadong aplikante na bantayan ang mga opisyal na anunsyo ng pamunuan para sa karagdagang detalye tungkol sa iskedyul at proseso ng online application.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page