top of page

“Caloy” Patuloy na Binabantayan sa Loob ng PAR


Maynila, Pilipinas — Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression “Caloy” (international name: “Hagupit”) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong alas-8:00 ng umaga, Lunes, Mayo 11, 2026.


Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression “Caloy” sa layong 485 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar sa koordinatong 10.9°N, 130.2°E.


Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-west northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.


Samantala, patuloy ding mino-monitor ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA 05c) na namataan sa layong 1,825 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao sa koordinatong 9.5°N, 142.9°E.


Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na bantayan ang mga susunod na weather bulletin at updates kaugnay ng Tropical Depression “Caloy” at ng isa pang sama ng panahon na nasa labas ng PAR.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page