top of page

Class 1 vehicles sa NLEX Northbound inililihis sa Balagtas Exit dahil sa tumataas na Pampanga River

Sep 1
1 min read

BULACAN — Inililihis na sa Balagtas Exit ang mga Class 1 vehicle na bumibiyahe sa NLEX northbound dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng Pampanga River, na nakaaapekto sa San Simon section ng expressway.

Batay sa NLEX Motorist Advisory alas-9:00 ng umaga ngayong Setyembre 1, pinapayuhan ang mga Class 1 motorist na lumabas sa Balagtas at dumaan sa Maharlika Road patungong Central Luzon Link Expressway (CLLEX) bilang alternatibong ruta patungong hilaga.

Pansamantala ring isinara ang Balagtas Northbound Entry sa Class 1 vehicles, habang maaari pa ring pumasok dito ang Class 2 at Class 3 vehicles.

Samantala, nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang Sta. Rita at Pulilan Northbound Entries.

Pinapayuhan ang mga motoristang patungong hilaga na planuhin ang kanilang ruta, maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, at patuloy na subaybayan ang mga susunod na NLEX advisory habang nananatiling mataas ang tubig sa San Simon area.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page