top of page

Cosplay competition gaganapin sa Malolos sa Setyembre 20

Sep 7
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Tampok ang iba't ibang karakter mula sa anime, pelikula, comics at video games sa Cosplay Competition na gaganapin sa Setyembre 20 sa Activity Center ng Vista Mall Malolos.

Bibigyan ang bawat contestant ng kabuuang pitong minuto—isang minuto para sa setup, limang minuto para sa stage performance, at isang minuto para sa set down. Bukas ang kompetisyon sa mga karakter mula sa Japanese anime, tokusatsu, live-action at drama series, Western at superhero movies, comics, at video games.

Batay sa mechanics, kinakailangang may kasamang magulang o guardian ang mga participant na 12 taong gulang pababa. Mahigpit ding ipinagbabawal ang nudity, graphic content, at paggamit ng props na may blades, matutulis na bahagi o disenyong maaaring makapinsala sa iba.

Kailangang isumite ng contestants ang kanilang soundtrack, background music o video sa technical booth gamit ang USB flash drive o Android phone. Magbibigay naman ng random music ang organizers para sa mga walang maisusumiteng sariling soundtrack.

Sa judging, tig-40% ang craftsmanship and creativity at storyline/storytelling, habang 20% ang audience impact.

Makakatanggap ang champion ng ₱2,000 cash at certificate, habang ₱500 cash at certificate naman ang nakalaan para sa first runner-up.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page