top of page

Cybersecurity seminar isinagawa para sa mga estudyante, negosyante sa Pulilan

Oct 10
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ang Vice Mayor’s Office, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, ng seminar na “Cyber Ready for MSMEs: Protect Your Business Online” noong Oktubre 9, 2026 sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Pulilan Campus.

Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa cybersecurity, online safety, pagprotekta sa personal na impormasyon at business accounts, at pag-iwas sa mga online scam.


Nagsilbing resource speaker si Mary Rose Castro, na nagbahagi ng mga praktikal na paraan upang mapangalagaan ang mga digital account at impormasyon laban sa mga banta sa internet.

Kabilang sa mga lumahok ang mga Bachelor of Science in Entrepreneurship (BSEntrep) students ng PUP Pulilan, gayundin ang iba pang residente at negosyante mula sa bayan.

Bahagi ang aktibidad ng mga programang pang-edukasyon ng Tanggapan ng Pangalawang Punongbayan na naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa mga Pulilenyo, partikular sa ligtas at responsableng paggamit ng digital technology sa pag-aaral at pagnenegosyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page