top of page

Cybersecurity seminar para sa MSMEs inilipat sa Oktubre 9

Sep 30
1 min read

PULILAN, Bulacan — Inilipat sa Oktubre 9, 2026, alas-1:00 ng hapon ang libreng seminar na “Cyber Ready for MSMEs: Protecting Your Business Online!” na orihinal na nakatakdang idaos sa Oktubre 2.

Bukas ang seminar para sa mga MSME owners, entrepreneurs at business owners na nais madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagprotekta ng kanilang negosyo, online accounts at mahahalagang impormasyon laban sa iba't ibang cyber threats.

Limitado sa 50 kalahok ang seminar. Maaaring makipag-ugnayan sa Office of the Vice Mayor of Pulilan ang mga interesadong dumalo para sa registration at iba pang detalye.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga lokal na negosyante ng praktikal na kaalaman sa cybersecurity at ligtas na paggamit ng mga digital platform para sa kanilang negosyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page