top of page

Dalawang babae arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Pulilan PNP


PULILAN, Bulacan — Dalawang babae ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) kaugnay ng magkahiwalay na kasong kriminal at paglabag sa batas laban sa ilegal na droga.

Sa unang operasyon, inaresto ng Tracker Team ng Pulilan MPS ang isang babaeng kinilalang alias "Ali" sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft. Ayon sa pulisya, kabilang siya sa Top 10 Most Wanted Persons sa antas ng munisipyo at nakalista bilang Number 6 Most Wanted Person ng Pulilan.

Samantala, isang babaeng kinilalang alias "Cecil" ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Brgy. Tibag dahil sa umano'y paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nakumpiska sa operasyon ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang mahigit ₱41,000, ayon sa pulisya.

Ayon sa Pulilan MPS, nagpapatuloy ang kanilang mga operasyon laban sa mga wanted person, ilegal na droga, at iba pang kriminalidad sa bayan. Paalala rin ng pulisya na ang mga naaresto ay itinuturing na inosente hangga't hindi napatutunayang nagkasala sa hukuman.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page