top of page

Dalawang lalaki arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Pulilan PNP


PULILAN, Bulacan — Dalawang lalaki ang naaresto ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) sa magkahiwalay na operasyon nitong mga nakalipas na araw bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Sa isinagawang buy-bust operation, naaresto ang 63-anyos na kinilala lamang sa alyas na “Nani.” Ayon sa pulisya, nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱38,012.

Sa hiwalay na operasyon naman, nadakip ang isang lalaking kinilala sa alyas na “Jun” sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Qualified Theft na inilabas ng hukuman.

Ayon kay PLTCOL Eric C. Cister, hepe ng Pulilan MPS, bahagi ang mga operasyon ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Muling hinikayat ng Pulilan PNP ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad. Tiniyak din ng kapulisan ang pagpapatuloy ng kanilang mga operasyon at pagpapatupad ng batas laban sa kriminalidad sa Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page