top of page

Dalawang Low Pressure Area, patuloy na mino-monitor ng PAGASA


Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) matapos humina ang mga ito mula sa pagiging tropical depression.


Ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 14, ang LPA 07a, na dating Tropical Depression Josie, ay nananatili sa loob ng PAR. Gayunman, sinabi ng PAGASA na mababa ang posibilidad na muli itong lumakas at maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.


Samantala, patuloy ding mino-monitor ang LPA 07b, na nasa labas ng PAR. Katulad ng LPA 07a, humina rin ito mula sa pagiging tropical depression at itinuturing ding mababa ang tsansang muling lumakas sa loob ng susunod na 24 oras.


Bagama't hindi inaasahang muling maging tropical depression ang dalawang sama ng panahon, pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga susunod na weather advisories, lalo na ang mga nasa mga lugar na maaaring makaranas ng pag-ulan dulot ng umiiral na mga weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page