top of page

Dalawang LPA mino-monitor ng PAGASA; kapwa malabong maging tropical depression


PILIPINAS — Patuloy na mino-monitor ng DOST-PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA), kabilang ang isa sa loob at isa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-2:00 ng madaling araw ngayong Hulyo 30.

Ayon sa PAGASA, ang LPA 07e, na nasa loob ng PAR, ay malabong (unlikely) lumakas at maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Gayundin, ang LPA 07f, na nasa labas ng PAR, ay nananatiling may mababang posibilidad na maging tropical depression sa kaparehong panahon.

Bagama't hindi inaasahang maging ganap na bagyo ang dalawang sama ng panahon sa loob ng susunod na isang araw, patuloy na sinusubaybayan ng state weather bureau ang kanilang galaw at pag-unlad.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at advisories ng DOST-PAGASA para sa mga pinakabagong impormasyon hinggil sa lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page