top of page

Dalawang LPA namataan sa labas ng PAR; isa posibleng maging tropical depression

Sep 11
1 min read

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes, Setyembre 11, ayon sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw.

Ang LPA 09b ay may medium chance na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Nananatili naman itong nasa labas ng PAR.

Samantala, isa pang sama ng panahon na tinukoy bilang LPA 09c ang mino-monitor din sa labas ng PAR. Gayunman, unlikely o mababa ang posibilidad nitong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na bantayan ang mga susunod na weather update para sa magiging development ng dalawang LPA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page