top of page

Dalawang ordinansa, pasado sa 3rd and Final Reading ng Sangguniang Bayan ng Pulilan


PULILAN, Bulacan — Dalawang mahahalagang ordinansa ang naipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan sa ginanap na 28th Regular Session noong Agosto 3.

Kabilang dito ang Municipal Ordinance No. 12-24, s. 2026, na nagtatakda ng mga patakaran at regulasyon sa paggamit ng Pulilan Municipal Library. Ang ordinansa ay inakda nina Konsehal Lovy Leslie B. Valenzuela at Konsehal Juene Adrianne S. Buquid, MD.

Naipasa rin sa 3rd and Final Reading ang Municipal Ordinance No. 12-25, s. 2026, na nagtatatag ng Municipal Mental Health, Self-Harm Prevention, and Psychosocial Support Program sa bayan. Inakda ito ni Vice Mayor Atty. Imelda DJ. Cruz, katuwang sina Konsehal Juene Adrianne S. Buquid, MD at Peter John T. Dionisio.

Ang pagpasa ng dalawang ordinansa ay bahagi ng mga hakbang ng Sangguniang Bayan upang magkaroon ng malinaw na sistema sa paggamit ng mga pampublikong pasilidad at mapalawak ang mga programang pangkalusugan at psychosocial support na maaaring mapakinabangan ng mga Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page