top of page

Dalawang Tropical Depression binabantayan sa labas ng PAR; Typhoon Dolphin posibleng muling pumasok sa monitoring domain


PILIPINAS — Dalawang Tropical Depression ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 9.

Ang dalawang sama ng panahon, na dating tinukoy bilang LPA 08b at LPA 08c, ay kapwa nabuo bilang Tropical Depression habang nananatili sa labas ng PAR.

Samantala, nakalabas na ang Typhoon Dolphin sa Tropical Cyclone Information Domain (TCID) ng PAGASA. Gayunman, patuloy itong mino-monitor dahil sa ipinapakita nitong wobbling motion o pabago-bagong galaw na maaaring magresulta sa muling pagpasok nito sa monitoring domain.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na update hinggil sa mga sama ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page