top of page

Dating Neneng muling naging Tropical Depression; pinangalanang ‘Gaerani’


PILIPINAS — Muling lumakas at naging Tropical Depression ang LPA 08f, na dating Tropical Depression Neneng, habang nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Agosto 22.

Ang naturang sama ng panahon ay binigyan ng international name na “Gaerani” matapos itong muling maging Tropical Depression.

Samantala, patuloy ding binabantayan sa labas ng PAR ang isa pang Tropical Depression, na dating LPA 08h.

Nananatili rin sa labas ng PAR ang Typhoon Saudel, na patuloy na mino-monitor para sa anumang pagbabago sa lakas at direksyon nito.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at update mula sa DOST-PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page