top of page

Dating Tropical Depression Josie, lumabas na ng PAR; dalawang LPA patuloy na binabantayan


Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA 07a), na dating Tropical Depression Josie, ayon sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas alas-2:00 ng madaling araw ngayong Hulyo 15.


Ayon sa PAGASA, ang LPA 07a ay kasalukuyan nang nasa labas ng PAR at mababa ang posibilidad na muli itong lumakas at maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.


Samantala, patuloy ding mino-monitor ang LPA 07b, na nananatili ring nasa labas ng PAR. Tulad ng LPA 07a, sinabi ng PAGASA na hindi rin inaasahang muling lalakas ang nasabing sama ng panahon at maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.


Bagama't kapwa mababa ang tsansa ng dalawang LPA na muling lumakas, pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisories para sa mga susunod na updates hinggil sa lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page