top of page

DepEd Bulacan, BulSU nagsanib-puwersa para bumuo ng research journal na target ang global recognition

Sep 4
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Sinimulan ng Schools Division Office (SDO) of Bulacan, katuwang ang Bulacan State University (BulSU), ang tatlong araw na training-workshop na naglalayong paunlarin ang research publication ng dibisyon at palawakin ang visibility nito sa akademikong komunidad.

Pinamagatang “From Vision to Visibility: Establishing High-Impact Research Journal for Global Recognition,” ang aktibidad ay pinangungunahan ng Planning and Research Section ng Schools Governance and Operations Division at ginaganap sa Bulacan State University sa Lungsod ng Malolos.

Alinsunod sa Division Memorandum No. 368, s. 2026, nagsisilbi itong Phase 1 ng proyektong “Building the DepEd Bulacan Research Journal: Editorial Board Formation, Capacity Building, and Digital System Establishment.”

Nakatuon ang unang yugto sa pagbuo ng editorial board, pagpapalakas ng kakayahan ng mga magiging bahagi ng research publication, at pagtatatag ng digital system para sa pamamahala at pagpapalathala ng mga pananaliksik.

Inaasahang magsisilbing pundasyon ang training-workshop sa pagtatatag ng research journal ng DepEd Bulacan na naglalayong mapataas ang kalidad at visibility ng mga pananaliksik sa larangan ng edukasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page