top of page

DepEd: Mga paaralan, lalahok sa nationwide safety drill kontra active attack incidents sa Agosto 25


PHILIPPINE STAR/WALTER BOLLOZOS
PHILIPPINE STAR/WALTER BOLLOZOS

PILIPINAS — Ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang pakikilahok sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents na isasagawa sa Agosto 25, alas-9:00 ng umaga.

Layunin ng nationwide drill na palakasin ang kahandaan at emergency response capabilities ng mga paaralan sa harap ng posibleng active attack incidents, kabilang ang pamamaril at iba pang uri ng karahasan na maaaring magbanta sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani.

Ayon sa DepEd, ang mga paaralang hindi makapagsasagawa ng drill sa itinakdang petsa ay kinakailangang makipag-ugnayan at magbigay-abiso sa kanilang Division Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Coordinator.

Samantala, ang mga paaralang nakapagsagawa na ng kaukulang drill bago ang Agosto 25 ay maaaring magsumite online ng kinakailangang mga dokumento, kabilang ang photo at video documentation ng kanilang isinagawang aktibidad.

Bahagi ang pagsasanay ng mga hakbang upang matiyak na alam ng school personnel at mga mag-aaral ang tamang gagawin at mga safety protocol sa oras ng isang aktuwal na emergency.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page