top of page

DepEd pinag-aaralan ang 640 oras na OJT para sa senior high school

Sep 9
1 min read

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapahaba sa on-the-job training (OJT) ng senior high school students hanggang 640 oras, mula sa kasalukuyang 80 hanggang 160 oras.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, bahagi ito ng mga hakbang upang mas maihanda ang senior high school graduates sa aktuwal na trabaho kasunod ng feedback mula sa ilang employers na hindi pa sapat ang workplace readiness ng ilang nagtapos.

Sa ilalim ng pinag-aaralang pagbabago, mas mahabang panahon ang gugugulin ng mga mag-aaral sa aktuwal na workplace environment upang magkaroon ng mas malawak na hands-on experience bago sila magtapos.

Sinabi rin ni Angara na maaaring makatulong ang mas mahabang OJT upang mapataas ang posibilidad na direktang ma-hire ang mga estudyante ng parehong employers o kompanyang nagsanay sa kanila.

Patuloy pang pinag-aaralan ng DepEd ang naturang hakbang bilang bahagi ng pagpapahusay sa senior high school program at paghahanda sa mga mag-aaral na nais direktang pumasok sa workforce pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page