top of page

Dog trader sa Baliwag hinatulang guilty sa paglabag sa Animal Welfare Act

Sep 29
1 min read

BALIWAG, Bulacan — Hinatulang guilty ng korte ang isang dog trader mula sa Baliwag matapos mapatunayang lumabag sa Animal Welfare Act kaugnay ng ilegal na pangangalakal ng mga aso.

Nadakip ang akusado sa isang operasyon noong 2024 matapos matuklasang bumibili at nanghuhuli umano ito ng mga aso na ibinebenta sa mga kainan sa Bulacan at Nueva Ecija, kung saan kinakatay ang mga hayop para sa kanilang karne.

Kasunod ng paglilitis, pinatawan ang akusado ng pagkakulong at multang ₱30,000.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Animal Welfare Act at iba pang umiiral na regulasyon ang ilang uri ng pagmamaltrato, pagpatay at pangangalakal ng mga aso, na maaaring magresulta sa kaukulang kasong kriminal at parusa.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page