top of page

Donuts ipinamahagi sa mga PDL sa Pulilan Municipal Jail

Sep 18
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nakatanggap ng mga kahon ng donuts ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Pulilan Municipal Jail mula sa Dunkin’ Donuts–SM Pulilan Branch bilang bahagi ng community support sa pasilidad.

Ayon sa Pulilan Municipal Jail, ang mga donasyong pagkain ay ipinamahagi hindi lamang sa mga PDL kundi maging sa ilan sa kanilang mga pamilya.

Tinanggap ng pamunuan ng pasilidad, sa pangunguna ni Acting Municipal Jail Warden JINSP Brenden Y. Doria, ang donasyon at nagpasalamat sa establisimyento para sa ibinahaging pagkain.

Bahagi ang naturang donasyon ng pakikipagtulungan ng Pulilan Municipal Jail sa mga community partners upang makapaghatid ng karagdagang suporta sa mga PDL at kanilang mga pamilya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page