top of page

‘Dujuan’ isa nang Typhoon; bagong LPA binabantayan sa labas ng PAR

Sep 19
1 min read

Lumakas bilang Typhoon ang bagyong may international name na “Dujuan”, na dating mino-monitor bilang LPA 09d, habang nananatili ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Setyembre 19.

Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw, patuloy na binabantayan ang “Dujuan” sa labas ng PAR.

Samantala, isa pang Low Pressure Area (LPA 09f) ang namataan sa labas ng PAR. Ayon sa monitoring, “unlikely” o mababa ang posibilidad nitong maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather updates mula sa DOST-PAGASA para sa anumang pagbabago sa dalawang weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page