top of page

Eala, laglag kontra Jovic sa French Open


Tumaob si Alex Eala kontra kay Iva Jovic matapos ang kanilang mainit na sagupaan, 6-4, 6-2, sa first round ng French Open (Roland-Garros 2026) nitong ika-26 ng Mayo sa Roland-Garros Stadium sa Paris, France.


Ayon kay Eala, masaya at kumpiyansa siya sa kaniyang paghahanda para sa Grand Slam tournament at wala umano siyang iniisip na pressure, kaya mas naengganyo siyang maglaro.

“I think I’m super excited for this week. We do the preparation obviously to arrive at the Grand Slams well, so I’m feeling good. I’m happy and, you know, nothing on the line, nothing to lose. So I’m really excited.”


Sa umpisa ng unang set, naging matindi ang bakbakan matapos ang halos 10-minutong palitan ng palo nina Eala at Jovic bago unang nakapuntos ang huli upang kunin ang bentahe, 1-0.

Mula rito, tuluyang umarangkada si Jovic gamit ang kaniyang malalakas na forehand strike na hindi napigilan ni Eala, 5-1.


Kahit isang puntos na lamang ang kailangan, hindi pa rin magawang mapatumba ni Jovic si Eala, kaya dahil sa tatlong double faults, muling nakadikit ang Pinay player, 4-5.


Gayunman, hindi na pinakawalan ni Jovic ang kaniyang kalamangan kaya matagumpay niyang naselyuhan ang unang set, 6-4.


Pagdating sa ikalawang set, mabilis na nakuha ni Eala ang unang puntos upang angkinin ang bentahe, 1-0.


Ngunit agad ding bumawi si Jovic sa pamamagitan ng malalakas na palo na hindi naagapan ni Eala upang maagaw ang kalamangan, 2-1.


Dahil sa momentum, naipagpatuloy ni Jovic ang kaniyang dominasyon hanggang tuluyang maselyuhan ang ikalawang set, 6-2, upang angkinin ang panalo.


Dahil dito, tutungo si Jovic sa second round kung saan haharapin niya ang kababayang si Emma Navarro.


Samantala, natapos man ang kampanya ni Eala sa singles bracket, magpapatuloy pa rin siya sa doubles kasama si Victoria Mboko ng Canada kung saan haharap sila kina Leylah Fernandez ng Canada at Diana Shnaider ng Russia.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page