top of page

FPS Media PH, Hiromitsu nagsagawa ng collaborative photoshoot sa Pandi

Sep 7
1 min read

PANDI, Bulacan — Nagsagawa ng collaborative staff photoshoot ang FPS Media PH at Hiromitsu noong Linggo, Setyembre 6, sa Hiromitsu branch sa Pandi, Bulacan bilang bahagi ng patuloy na creative partnership ng dalawang grupo.

Nakatuon ang aktibidad sa pagkuha ng mga larawan ng staff na maaaring gamitin sa mga susunod na marketing, digital content, at promotional materials ng restaurant.

Nakiisa rin sa production si Ishabel R. Bantilo, pangulo ng Salin-Lente: Pulilan Film Society, upang aktuwal na maisagawa at higit pang mahasa ang mga kasanayang natutunan niya mula sa media training ng organisasyon.

Nagsilbi ang photoshoot bilang hands-on experience para kay Bantilo sa isang aktuwal na production setup, mula sa paghahanda hanggang sa pagkuha ng visual materials para sa isang restaurant brand.

Kasabay nito, tinalakay din ng FPS Media PH at Hiromitsu ang posibilidad ng pagbuo ng branded merchandise bilang bahagi ng mga susunod na collaborative project.

Bahagi ang aktibidad ng patuloy na partnership ng FPS Media PH at Hiromitsu sa pagbuo ng visual at digital content, habang nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kabataang nagsasanay sa media na magkaroon ng praktikal na karanasan sa production.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page