top of page

Freshman Orientation Program isinagawa para sa mga bagong mag-aaral ng PUP Pulilan

Sep 2
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Setyembre 2 ang Freshman Orientation Program ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Pulilan Campus para sa mga bagong mag-aaral na magsisimula ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Ginanap ang programa sa PUP Pulilan Covered Court, kung saan tinalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa sistema, mga patakaran, programa at iba pang serbisyong dapat malaman ng mga estudyante sa kanilang pananatili sa unibersidad.

Layunin ng orientation na tulungan ang mga freshmen na maging pamilyar sa kanilang bagong academic environment at maihanda sila sa mga responsibilidad at inaasahan bilang mga mag-aaral ng PUP Pulilan.

Bahagi rin ng programa ang paggabay sa mga bagong estudyante habang nagsisimula sila sa panibagong yugto ng kanilang edukasyon sa kolehiyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page