top of page

Gaenari, dating Neneng, patuloy na binabantayan sa labas ng PAR


PILIPINAS — Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression Gaenari, na dating Tropical Depression Neneng, habang nananatili ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng madaling araw ngayong Agosto 23.

Ayon sa update, inilipat o “relocated” ang tinatayang lokasyon ng Gaenari batay sa pinakahuling pagsusuri at nananatili itong nasa monitoring domain ng PAGASA.

Samantala, patuloy ding mino-monitor sa labas ng PAR ang isa pang Tropical Depression, na dating LPA 08h.

Nananatili rin sa labas ng PAR ang Typhoon Saudel, na patuloy na binabantayan para sa anumang pagbabago sa lakas at galaw nito.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at susunod na update mula sa DOST-PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page