top of page

Habagat magdadala ng 50–100 mm na ulan sa Bulacan ngayong Huwebes

Sep 10
1 min read

Posibleng makaranas ang Bulacan ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na ulan ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa Weather Advisory No. 74 ng PAGASA na inilabas alas-5:00 ng umaga, kabilang din sa may 50–100 mm rainfall outlook ang Pangasinan, La Union, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

Mas mataas na 100 hanggang 200 mm na ulan naman ang inaasahan sa Zambales ngayong araw.

Pagsapit ng Biyernes, Setyembre 11, inaasahan ang 50–100 mm na ulan sa Pangasinan, La Union, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac at Pampanga.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring mas mataas ang aktuwal na dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Maaari ring lumala ang epekto nito sa mga lugar na nakaranas na ng malaking rainfall accumulation nitong mga nakaraang araw.

Para sa mas agarang kondisyon ng pag-ulan hanggang municipal level, pinapayuhan ang publiko na bantayan ang Heavy Rainfall Warnings at iba pang severe weather advisories na inilalabas ng mga kaukulang PAGASA Regional Services Division.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page