top of page

Habagat magdadala ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon hanggang Agosto 19


PILIPINAS — Patuloy na magdadala ng malakas na pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw, batay sa heavy rainfall outlook ng PAGASA.

Mula ngayong araw hanggang hapon ng Agosto 17, inaasahan ang 50 hanggang 100 millimeters (mm) na ulan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet, at Zambales.

Mula hapon ng Agosto 17 hanggang hapon ng Agosto 18, posible naman ang 50 hanggang 100 mm na ulan sa Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Antique.

Pagsapit ng hapon ng Agosto 18 hanggang hapon ng Agosto 19, inaasahan ang kaparehong dami ng ulan sa Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Antique.

Ayon sa PAGASA, maaaring mas mataas pa ang dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Posible ring lumala ang epekto ng panibagong pag-ulan sa mga lugar na nakaranas na ng malaking volume ng ulan nitong mga nakaraang araw.

Pinapayuhan ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO) na magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian, habang hinihikayat ang publiko na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Para naman sa mga agarang desisyon tulad ng suspensyon ng klase, pinapayuhan ang publiko na bantayan ang Heavy Rainfall Warnings na inilalabas ng kani-kanilang PAGASA Regional Services Division.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page