top of page

Habagat magdadala ng pag-ulan sa Bulacan, malaking bahagi ng Luzon

Sep 7
1 min read

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang inaasahan sa Bulacan at iba pang bahagi ng Central Luzon ngayong Setyembre 7 dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa 24-Hour Public Weather Forecast ng PAGASA na inilabas alas-4:00 ng madaling araw, posibleng magkaroon ng moderate hanggang paminsan-minsang heavy rains sa Central Luzon na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Mas madalas na pag-ulan naman ang inaasahan sa Zambales at Bataan, gayundin sa Batangas at Occidental Mindoro, kung saan posibleng makaranas ng occasional rains at moderate hanggang heavy rainfall.

Samantala, patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Krovanh, na dating “Pilandok.” Huling namataan alas-3:00 ng madaling araw ang bagyo sa 1,155 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 65 km/h at pagbugsong hanggang 80 km/h.

Kumikilos ang Krovanh pa-silangan sa bilis na 10 km/h at nananatili sa labas ng PAR.

Pinapayuhan ang publiko, partikular sa mga lugar na madaling bahain, na patuloy na bantayan ang kondisyon ng panahon at mga susunod na rainfall advisory at warning ng PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page