top of page

Habagat magpapaulan sa Bulacan, malaking bahagi ng Luzon

Sep 8
1 min read

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang inaasahan sa Bulacan ngayong Martes, Setyembre 8, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa 24-Hour Public Weather Forecast ng PAGASA na inilabas alas-4:00 ng madaling araw, kabilang ang Bulacan sa natitirang bahagi ng Luzon na maaaring makaranas ng moderate hanggang paminsan-minsang heavy rains, na posibleng magdulot ng flash floods o landslides.

Mas madalas na pag-ulan naman ang inaasahan sa kalapit na Pampanga at Tarlac, gayundin sa Pangasinan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro, kung saan occasional rains ang forecast.

Samantala, monsoon rains na may moderate to heavy at paminsan-minsang intense rains ang inaasahan sa Zambales at Bataan. Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.

Sa Luzon at Visayas, inaasahan ang light to moderate winds mula southwest hanggang west, habang bahagya hanggang katamtaman ang coastal waters na may taas ng alon na 0.6 hanggang 2.1 metro.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na bantayan ang mga susunod na weather bulletin at Heavy Rainfall Warning, partikular sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone areas.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page