top of page

Habagat patuloy na magdadala ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon


PILIPINAS — Patuloy na magdadala ng malakas na pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng Luzon ngayong weekend hanggang Lunes, Agosto 17, ayon sa weather advisory na inilabas alas-5:00 ng umaga ngayong Agosto 15.

Ngayong Sabado, inaasahang makapagtatala ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) na ulan ang Zambales at Bataan. Gayundin ang inaasahang dami ng ulan sa dalawang lalawigan bukas, Agosto 16.

Pagsapit ng Lunes, Agosto 17, inaasahan naman ang 50 hanggang 100 mm na ulan sa Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Ayon sa PAGASA, maaaring mas mataas pa ang dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Maaari ring lumala ang epekto nito sa mga lugar na nakaranas na ng malaking volume ng ulan nitong mga nakaraang araw, kaya patuloy ang paalala laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pinapayuhan ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Offices na magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mga residente.

Nilinaw din na ang Weather Advisory ay nagbibigay ng mas malawak na rainfall outlook, samantalang ang Heavy Rainfall Warning ay nakatuon sa mas agarang kondisyon at maaaring maging espesipiko hanggang municipal level. Para sa mga desisyong tulad ng suspensyon ng klase, pinapayuhan ang publiko na bantayan ang Heavy Rainfall Warnings mula sa kani-kanilang PAGASA Regional Services Division.

Maliban kung magkaroon ng malaking pagbabago sa lagay ng panahon, nakatakdang ilabas ang susunod na Weather Advisory alas-11:00 ng umaga ngayong Agosto 15.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page