top of page

Habagat patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon hanggang Setyembre 5

Sep 2
1 min read

Patuloy na makararanas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw dahil sa Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Weather Advisory No. 45 ng PAGASA na inilabas alas-11:00 ng gabi ngayong Setyembre 2.

Mula ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, Setyembre 3, inaasahan ang 50–100 millimeters (mm) na ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales at Bataan.

Mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng gabi, Setyembre 4, posibleng makatanggap din ng 50–100 mm na ulan ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Occidental Mindoro.

Pagsapit naman ng Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi, Setyembre 5, maaaring umabot sa 100–200 mm ang ulan sa Occidental Mindoro. Inaasahan din ang 50–100 mm na ulan sa Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Antique.

Babala ng PAGASA, maaaring mas mataas pa sa forecast ang aktuwal na dami ng ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Maaari ring maging mas malubha ang epekto ng panibagong pag-ulan sa mga lugar na nakaranas na ng malaking volume ng ulan nitong mga nakaraang araw.

Pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga Heavy Rainfall Warning at iba pang lokal na advisory ng PAGASA Regional Services Divisions, partikular sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng landslide.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page