top of page

HANGGANG KAILAN LULUBOG, CALUMPIT?


Hanggang kailan lulubog at mag-aalala ang Calumpit sa bawat pagbuhos ng ulan? Hanggang kailan kailangang tiisin ng mga tao ang pagpasok ng tubig sa kanilang tahanan? Hanggang kailan magiging normal na lang ang paglilikas at pag-iwan ng lahat para lang makaligtas? Saan na napupunta yung mga pangakong matagal na naming naririnig? Kailan ba talaga magkakaroon ng tunay at matibay na solusyon?

 Ayon sa ulat noong Agosto 13, 2026, alas-8:30 ng umaga, mayroong 29 na barangay na lubog sa baha. Mahigit 154,000 na tao ang naapektuhan, at may mga lugar pa na lagpas-tao na ang taas ng tubig. Hindi na ito bago — taon-taon na lang ganito, pero tila wala pa ring tiyak na lunas.

 Dahil sa tindi ng baha, 872 na pamilya at 3,211 na indibidwal na ang napilitang lumikas sa 19 na sentro. May mga tao ring nawalan ng hanapbuhay dahil nasira ng tubig ang kanilang pinagkakakitaan. Napilitan silang iwan ang lahat para lang makaligtas sa panganib.

 Naapektuhan din ang pag-aaral dahil halos dalawang linggo nang walang pasok ang mga mag-aaral. Marami na rin ang kailangang magsimula ulit dahil nasira at nalubog ang kanilang mga gamit. Nawala ang kanilang ipon at pinaghirapan, kaya wala na silang ibang magawa kundi magsimula muli.

 Hindi na sapat ang pangako lang o pansamantalang lunas na nawawala rin kapag humupa na ang tubig. Nararapat sa Calumpit ang matibay at tapos na proyektong talagang gagana. Hindi na makapaghihintay pa — kailangan na ng tunay na gawa, hindi salita lamang.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page