top of page

Hepe ng Pulilan PNP nagsagawa ng assessment sa BCHS kasunod ng security threat


PULILAN, Bulacan — Bumisita sa Bajet-Castillo High School (BCHS) si PLTCOL Eric C. Cister, hepe ng Pulilan Municipal Police Station (MPS), upang magsagawa ng assessment kaugnay ng naunang iniulat na umano'y banta sa seguridad sa paaralan.


Ayon sa pamunuan ng BCHS, bahagi ng isinagawang pagbisita ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa paaralan upang masuri ang sitwasyon at matiyak ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani.


Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang paaralan sa Pulilan MPS at iba pang kinauukulang ahensya habang isinasagawa ang beripikasyon at iba pang security measures.


Hinihikayat ng pamunuan ng BCHS ang mga magulang at mag-aaral na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng paaralan para sa mga susunod na update tungkol sa mga gawain at aktibidad nito.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page