top of page

HPG-NCR chief, 12 tauhan sinibak sa puwesto matapos umano’y komprontasyon sa BOC sa Bulacan


BULACAN — Pansamantalang relieved sa kanilang mga puwesto ang hepe at 12 tauhan ng Regional Highway Patrol Group-National Capital Region (HPG-NCR) kasunod ng iniulat na komprontasyon sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) habang isinasagawa ang pagsira sa mga nakumpiskang smuggled cigarettes sa Bulacan.

Iniutos ni PNP-Highway Patrol Group Director PBGEN Rommel S. Batangan ang paglilipat sa mga sangkot na personnel sa Human Resource Management and Doctrine Development Division-Personnel Holding and Accounting Section habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Ang hakbang ay kasunod ng mga ulat hinggil sa umano'y tensyon sa pagitan ng mga tauhan ng dalawang ahensya habang isinasagawa ang disposal ng mga nakumpiskang kontrabandong sigarilyo.

Wala pang inilalabas na pinal na resulta ng imbestigasyon hinggil sa insidente. Ang relief ng mga tauhan ay isinagawa habang inaalam pa ng mga kinauukulan ang buong pangyayari at posibleng pananagutan ng mga sangkot.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page