top of page

Iba’t ibang sektor sa Bulacan nagtipon kontra reklamasyon, mga proyektong umano’y nagpapalala ng pagbaha



BULACAN — Nagtipon ngayong Agosto 31 ang iba't ibang sektor sa Bulacan upang manawagan ng pananagutan kaugnay ng mga suliraning pangkalikasan at tutulan ang mga proyektong anila'y nakaaapekto sa kalikasan at kabuhayan ng mga Bulakenyo.

Kabilang sa mga isinusulong ng grupo ang pagtutol sa mga reclamation project at iba pang development na ayon sa kanila ay maaaring makapagpalala sa pagbaha at makapinsala sa kabuhayan ng mga komunidad.

Nakiisa rin sa pagkilos ang Bulacan State University Student Government Office of the Vice President, na nagpahayag ng suporta sa panawagang pangalagaan ang kalikasan, kabuhayan at kaligtasan ng mga pamayanan.

Binigyang-diin ng student government na kaugnay ng pagkakaroon ng ligtas na edukasyon ang pagkakaroon ng ligtas na komunidad at maayos na kapaligiran.

Bahagi ng pagkilos ang panawagan para sa environmental accountability at sustainable development, kasabay ng mga usapin hinggil sa pagbaha at epekto ng malalaking proyekto sa ilang komunidad sa Bulacan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page