top of page

IBP Lawyer of the Day office binuksan sa Bulacan Provincial Capitol


MALOLOS CITY, Bulacan — Pormal na pinasinayaan at binasbasan noong Agosto 28 ang nakalaang tanggapan para sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Lawyer of the Day Initiative (LODI) sa loob ng Bulacan Provincial Capitol.

Isinagawa ang pagbubukas sa pamamagitan ng Provincial Government of Bulacan, sa pangunguna ng Office of the Provincial Attorney, upang mas mailapit ang serbisyong legal sa mga Bulakenyong nangangailangan ng tulong.

Nagsilbing Guest of Honor sa aktibidad si IBP National President Atty. Allan G. Panolong, na binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pakikipagtulungan ng mga institusyon upang mapalawak ang access to justice, partikular para sa marginalized at underserved communities.

Sa ilalim ng programa, magsisilbing venue ang bagong tanggapan kung saan maaaring magbigay ang mga volunteer lawyer ng legal assistance sa mga kwalipikadong residente ng Bulacan.

Pinangunahan ni Atty. Rose Bautista, Pangulo ng IBP Gat Marcelo H. Del Pilar–Bulacan Chapter, ang pagsusulong ng inisyatiba katuwang si Provincial Attorney Atty. Gerard Nelson C. Manalo. Nagpaabot din ng pagkilala ang IBP sa suporta ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando at ng Pamahalaang Panlalawigan.

Layunin ng Lawyer of the Day Initiative na palakasin ang paghahatid ng legal aid at gawing mas accessible ang tulong legal para sa mga mamamayang nangangailangan nito.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page