top of page

Ika-12 Marian Exhibit ng RECAM, binuksan sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Pormal na binuksan ang 12th Marian Exhibit ng Recamaderos de los Santos Imagenes de Pulilan (RECAM) sa isang gabi ng panalangin at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Bilang bahagi ng pagbubukas ng exhibit, isinagawa ang Banal na Misa sa pangunguna ni Most Rev. Deogracias S. Iñiguez, Jr., D.D., na dinaluhan ng mga deboto at miyembro ng komunidad.

Nakiisa rin sa pagdiriwang si Vice Mayor Atty. Imee Cruz, na nagbahagi ng kanyang kagalakan matapos mapiling isa sa mga Hermanos Mayores ngayong taon ang kanyang anak na si Franco.

Kasabay ng pagdiriwang, ipinaabot din ni Vice Mayor Cruz ang kanyang panalangin para sa mga pamilyang Pulilenyo, partikular sa mga naapektuhan ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha.

Hiling niya na tuluyan nang bumuti ang lagay ng panahon at patuloy na mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mamamayan ng Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page