top of page

Ika-7 Araw ng Impeachment Trial ni VP Sara Duterte, Nagpatuloy sa Senado


Nagpapatuloy ngayong Lunes, Hulyo 20, 2026, ang ikapitong araw ng impeachment trial ni VP. Sara Duterte sa Senado, kung saan tinalakay ng impeachment court ang mga mosyon at ebidensyang inihain ng magkabilang panig.


Isa sa mga pangunahing isyung pinag-uusapan ay ang kahilingan ng prosecution na makakuha ng subpoena para sa ilang financial records ni Sara Duterte at ng kanyang asawa bilang bahagi ng kanilang presentasyon ng ebidensya. Samantala, iginiit naman ng depensa na walang sapat na batayan ang naturang kahilingan at nanindigang may paglabag ito sa karapatan ng bise presidente.


Kasalukuyan, wala pang final na desisyon ang impeachment court. Magpapatuloy pa ang pagdinig sa mga susunod na araw habang inilalahad ng magkabilang panig ang kanilang mga argumento at ebidensya. Kapag natapos ang paglilitis, kinakailangan ang boto  ng hindi bababa sa kalahati ng mga senador upang mahatulan at mapatalsik sa puwesto ang bise presidente.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page