top of page

Ikalawang araw ng "Ligtas at Handang PWD" Training, dinaluhan ng mga PWD mula sa siyam na barangay


PULILAN, Bulacan — Ipinagpatuloy ang ikalawang araw ng "Ligtas at Handang PWD" Training bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, na dinaluhan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) mula sa iba't ibang barangay sa Pulilan.


Kabilang sa mga lumahok ang mga PWD mula sa Paltao, Peñabatan, Poblacion, Sta. Peregrina, Sto. Cristo, Taal, Tabon, Tibag, at Tinejero, na sumailalim sa mga pagsasanay hinggil sa disaster preparedness at emergency response.


Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman at kahandaan ng mga kalahok sa tamang pagtugon sa oras ng sakuna at iba pang emergency upang mapalakas ang kanilang kaligtasan at katatagan.


Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng mga aktibidad ng lokal na pamahalaan na nagsusulong ng inklusibong disaster risk reduction at paghahanda ng lahat ng sektor ng komunidad, kabilang ang mga Persons with Disabilities.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page