top of page

Ilang bahagi ng Calumpit mawawalan ng kuryente

Sep 23
1 min read

CALUMPIT, Bulacan — Nakatakdang makaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Calumpit ngayong Setyembre 23 dahil sa maintenance works ng Meralco.

Apektado ng power interruption ang ilang lugar sa Barangay Iba Este, Iba Oeste at Palimbang mula 1:00 a.m. hanggang 4:00 a.m.

Ayon sa Meralco, kinakailangan ang pansamantalang pagkawala ng serbisyo upang maisagawa ang line conversion works at retirement ng ilang electricity facilities sa kahabaan ng MacArthur Highway at Iba Road.

Pinapayuhan ang mga residente at establisimyento sa mga apektadong lugar na maghanda para sa nakatakdang power interruption at ituring na energized ang mga linya kahit nasa loob ng maintenance period.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page