top of page

ILANG BAHAGI NG LUZON, ITINAAS SA TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1


Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon alas-7 ng gabi matapos mamataan ang Tropical Depression Kiyapo na 555 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.


Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ang:

• Batanes

• Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands

• Isabela

• Apayao

• Abra

• Kalinga

• Mountain Province

• Ifugao

• Ilocos Norte

• Ilocos Sur

• Hilagang bahagi ng Aurora: Dilasag, Casiguran, at Dinalungan

• Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya: Bagabag, Diadi, Bayombong, Ambaguio, Villaverde, Quezon, at Solano

• Hilagang bahagi ng Quirino: Maddela, Cabarroguis, Saguday, Diffun, at Aglipay

• Hilagang bahagi ng Benguet: Buguias, Mankayan, Bakun, at Kibungan


Patuloy na kumikilos ang bagyong pakanlurang-hilaga sa bilis na 30 kilometro bawat oras. Taglay nito ang pinakamalakas na hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 70 kilometro bawat oras.


Ayon sa PAGASA, maaaring Wind Signal No. 2 ang pinakamataas na Wind Signal na itataas habang dumaraan ang Kiyapo. Gayunpaman, hindi isinasantabi ang posibilidad na itaas sa Wind Signal No. 3 kung lalakas ang Kiyapo at magiging isang Severe Tropical Storm habang tumatawid sa bahagi ng Batanes-Babuyan Islands.


Inaasahang magdadala ang Hanging Habagat at ang paligid ng Kiyapo ng malalakas hanggang gale-force na pagbugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa, lalo na sa mga baybaying lugar at kabundukang lantad sa hangin.


Inaasahang lalabas ang Kiyapo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Sabado ng umaga.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page